Friday, August 18, 2006

Betcha by gally-wow. wooooow.

Haha.


Volleyball
The last three days has been my wildest-super-crazy-like-a-nightmare-days. Why you might ask? It was my Volleyball Varsity try-outs. It was like hell. No kidding. Hindi siya yung parang try-outs na sa Pilipinas na isang araw lang tas tapos na. Hindi. Not even a bit like that. Sa isang araw.. 2 sets of try-outs na - isa sa umaga, 8:30-11. At isa sa hapon, 2-4. Parehong set ang dapat mong i-attend sa isang araw. And it'll last for days even weeks or maybe even months. For as long as they can get the at least, possible volleyball varsity players. Sobrang tumodo talaga ang try-outs ano. NASHYAK AKO. Mukhang HINDI ko na nakaya banda run. Haha.

First day: MORNING - warm up namin.. 10 laps na run sa buong basketball court. After nun, strectching na. Tas ang dami pang excercises and such drills. SOBRANG huwaaaaaaat? <- ang mga pinapagawa. Walang kapagurang drills ang sinalakpak sa mga mukha namin. Walang biro. Grabe talaga. As in NEVER kang pwedeng umupo at mag-rest. Merong mga water breaks pero hindi ka pa rin pwede umupo. At sandali lang un. Siguro mga 30 seconds lang. Sobrang tumatagkaktak na yung mga pawis namin walang pakialam si coach. Tas nung patapos na.. akala namin. Lalabas nlang kami ng court tas okay na. HINDI. Pinapunta niya kami sa iba't ibang centers. Bali.. 4 centers lahat. Yung 4 centers na un - (1) sit ups, (2)push ups, (3)jump high and kick, (4)squat while leaning on the wall tas dapat hindi mo maalis ung shoulders mo sa wall.. or else. UULIT. Ang first center ko.. ung squatting. Yung mga iba hindi nila sineseryoso.. so mas napapatagal. Curse them. Haha. Tas every after two minutes sa bawat center, SPRINT naman sa buong basketball court. Pag nag-cut ka ng corners, additional laps ang ibibigay. Not to mention, KAILANGANG makapunta ka sa next center after mong matapos ang pag-sprint sa buong basketball WITHIN 20 seconds. OR ELSE.. panibagong set of laps ulit. Umexagge talaga.

NUNG AFTERNOON NAMAN - same thing. Pero nadagdagan ng isa.. Pinatakbo kami ng fire exit stairs ng school. Sobra talaga. 4 levels un no. Baba, akyat kami. Tas bawal magpahinga. UNLESS sabihin nila.. at pag pinagrest kami.. 15 seconds lang. Grabe talaga. Sobraaaaa.

Paulit-ulit lang ung cycle na un for three straight days. Hindi ko alam kung kailan mag-eend pero super nilulook forward ko na ang araw na iyon. Haha. Ba naman kasi ano. Grabe. Para kaming mga taong hindi napapagod e ano. Nung gabi nga.. super. Yung katawan ko, punong puno ng salonpas. At hindi pa naging enough un. Naglagay pa ako ng Bengay. Haha. Sobra na talaga. Pero kasi naman.. kailangan talaga nilang piliin e. Kasi.. for how many straight years, laging champion ang Quince Orchard (ang magiging school ko) pagdating sa Interschool and State mismo. So talagang... BIG TIME.

Maaaaaaaaan. Ang hirap talaga. Yung pressure laging nandun kasi every move you make talagang tinitignan nila.

Family slash Relatives
We are slowly but surely breaking apart. Sobra. The fights and the pretty quarrels. Their works and of course, THE MONEY. Arrrrrrrrgh. Sana kasi wala nlang pera para matigil na ang gulong to e. Pera, pera, pera. Lagi nlang pera. Kung hindi naman.. work, work, work OR time, time, time. Aaaaaaaaaaaaaaaah! May mas gugulo pa ba? WALA NA. Raaaaaaaaaar.

Obituary
My Tito Boy-cee died. Sigh. He was one of the very close relative of papa. And I was really sad when we heard the news that he passed away. :( Well, the second live in heaven is pretty much more like a haven than in here. Lalo na kay tito. So we were happy na rin na he found the peace he wanted.

Art
Pumunta kami ni ate sa house ng isang family friend namin na artist. Tas dapat si ate lang magpapaturo ng pag-ooil painting. Tas mukhang naikuwento niya kay tita na kinoconsider ko ang mag-interior design sa college. So binigyan ako ng book ni tita and binigyan niya ako ng a excercise. Mukhang hindi ko na-take. Pag-alis ni tita sa sun-room kung saan nandun kami.. umiyak talaga ako. Kasi naman. Hirap na hirap kaya akong mag-draw. Ni ung taong sticks nga magulo pa e. Tas biglang ipapadraw niya ako. On the spot ba ito. Hindi ko na-take. Artist pa naman si tita. So she expects the BEST when it comes to art. Sobra. Tinuruan niya akong mag-shading but definitely NOT to draw. Tsk. So hirap talaga ako. Nakaka-pressure pa naman kasi every now and then tinitignan niya ung nagawa ko. Sobraaaaa.

Nang lumaon, okay na. Natutuwa naman na ako. Tas ung output nung ginawa ko.. sabi ni tita.. "Aba. May ibubuga pala itong batang to pagdating sa art e." Tas parang ako.. Huwaaaaaaaaaaat? E napangitan nga ako sa nagawa ko e. Samantalang si tita, ate at papa (dahil sumunod siya sa bahay nila tita para mabisita si tito) nagandahan. Mind you. Once si papa ang nagsabi ng compliment.. Okay na okay un. Kasi super bihira lang siya mag-compliment. Dahil mahilig siyang mamintas. Kaya... okay na rin sken. At least, natuwa sila sa ginawa ko db.

Summer Reading
Tapos na ako sa 500+ pages na librong un. Iintindihin ko nlang ung tatlong essays tungkol dun. Then I am done. ;)

Pictures
Na-upload ko na ang mga pictures ng aking mga adventures sa comp pero hindi ko pa siya na-uupload sa multiply. Malamang, next time nlang. Pero baka this weekend mapost ko na un. Basta. Sasabihin ko sa inyo. ;)

Bisita
Meron kaming bisita na dadating ngaung gabi dito. Galing siyang Canada pero half Malaysian and half Chinese siya. Naging bisita na namin siya sa bahay namin sa Pinas. Tas ngaun yung bahay naman namin dito. Sobrang nahihiya ako sa kanya. Ewan ko ba. Nauubusan ako ng english. Haha. Kasi ba naman.. dati. Wala akong masabi sa kanya kung hindi.. "Yes", "No", "Wait". Mukha akong ewan kahit si Cha, ung pinsan ko pinagtatawanan ako. Kasi naman... ewan ko ba. Haha.

Sige na. Nandito na siya e. Kakasundo lang nila sa kanya sa airport.

Sige.

Au Revoir. ;)

... and I curse you for being so sweet and so kind.

... and I can't get you out of my dreeeeeeaams... :)

... Yes on my mind your tatooed. ;)

Wis
|

*The bum


Photobucket

Luisa Angela Baua. Wis.October 10. HS student. Youngest of three. Chicklet.

I WANT TO.. be loved and to travel the whole world.

ACHIEVED.. pretty much a lot of things and learned from every mistake I did.

GREATEST FEAR.. to be alone.

I BELIEVE THE FACT.. that it takes one to know one.


*Chat




*Tag



My fab friends:)


Stu Abancio
Pauline Abante
Caris Almazan
Paul Ang
Anj Caguioa
Therese Chua
Eirene Go
Maita Guevarra
Sibyl Layag
Aya Lemence
Sher Liquido
Michi Manosca
Monique Marinas
Rus Pascual
Miliza Prado
Ikit Singson
Mia Sumulong
Denise Tan
Sam Valencia

THE Past


March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 June 2007 July 2007 August 2007 February 2008


*Credits


Locations of visitors to this page

<

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com