Saturday, June 10, 2006

JUNE 7. Haha. I woke so early to chat at ym. At last, madami dami din naman akong naabutan na friends ko. We talked about stuff and onting kuwento and how I wanted to be there just like before na present sa bawat gimik na pinaplan. Haha. Lalo na pag si Aiko.. Sobra.

Alala ko pa nun.. Nagkaroon kami ng topak at napag-isip naming pumunta sa Baywalk gamit ang LRT. Haha. Nasa gateway kasi kami nun.. Tas nakita namin ung LRT station. Iniwan pa namin nun si Cha tsaka si Joeff. Actually, hindi ko na pinaalam na umabot kami ng Maynila. Haha. :) So un. Tas nung nakarating kami sa Manila.. Sumakay kami sa jeep, pagkababa namin ng LRT. Tas lahat ng tao nakatingin samin kasi tawa kami ng tawa.. E hello, the adventure man. Sobrang adventure un para samin. Kasi pareho naming hindi alam kung san kami pumupunta. Umaasa lang kami sa mga turo turo ng tao. Haha. Anyway, binaba kami ng jeep sa may Manila Zoo. Grabe. Tuwang tuwa kami. Para kaming mga turista. Na never pa napadpad dun. Hehe. Si Aiko nga sumisigaw na e. Haha. Tas nung magccross na kami ng street, nagutom na ko. So nagtanong kami kung san ung way papunta sa kainan sa baywalk. Sabi nung lalaki, pa-left daw. E nako. Wala na ung sight ng Manila Bay at umabot na kami ng Star City at Boom na boom wala pa rin. Napadpad na kami sa place na kung san nakatira ung homeless people.. nang naglalakad ha. Nung napagod na ko, sabi ko kay Aiko.. Balik na kaming Gateway. So nagtaxi kami ako nagbayad. Tas pagdating ng Gateway, naiinis na sken si Cha kasi matagal daw sila naghintay samin. Tas umuwi sila. Iniwan nila ko sa Gateway. Pero okay lang, kasama ko naman si Aiko e. Hello, Tatlong bahay lang ung layo samin. Haha. :) So kumain kami sa Pizza Hut at nagtaxi kami ulit pauwi.. Ako parehong nagbayad. Pero wag ka.. Bumawi yan saken sa Shang. Haha. :) Love you, Aiko. Miss ko na ang mga biglaang lakad naten. Ung for fun lang. Naalala mo pa ba ung NBA madness sa Araneta? At ang games ng Ateneo sa basketball? Ikaw kasama ko nung mga oras na un. :)

Oist, CHA! Anooooo? Gagi ka talaga. Toink! :) Chaaaaaaaaaaa...... Ano ba? Hindi pwede un no. Wala akong guts gaya mo no. Ano baaaaaaaaaaaa? Gumudluck nlang sa inyo ano. Haha. :)

JUNE 8. We went Germantown to the Amish Dutch Market. It was so cool and they were very friendly. Not just for the sake for you to buy goods but they really are friendly. After that, we went to the Brazillian Cafe' wherein we drank Brazillian Cofee. It was too strong for me. Sobra. Ang tapang ng lasa. After nun.. mama, ate and I went to IKEA. It's this Swedish everything store. Ang ganda tas ang laki. Sobra. We stayed there for four hours but we still haven't seen all of the things. Napagod na kami e. And besides, may bisita pa kaming dadating so we have to go home already.

That night, our black American friend named Toscin arrived. We ate dinner together. We served baked potato, steak, chicken, salad and the blueberry cheescake. Ang sarap ng food. At sobrang nakadami na naman ako. Haha. After the dinner, the old ones.. Haha. Di ako kasama dun no. The old ones went to the deck kasama si Kuya Toscin. They talked there for an hour while drinking red wine. Mga 11'30, hinatid namin si Kuya Toscin pauwi. Joyride. Malayo, layo kasi sa bahay. Haha. :)

JUNE 9. Madami ulit akong naka-chat sa ym. :) Nag-swimming kami ni ate sa Germantown. Dapat sa outdoor pool kami magsswim. Nag-sunblock pa kami no. Sabay di pala open ung outdoor so nag-indoor pool nlang kami. Ang lalim. Sobra. Lubog na lubog ako. 9 feet ba naman. Tas lap lanes pa. So grabeng swimming un. Puro nga breast stroke ginawa ko e. Gusto ko matutunan and maperfect un stroke na un. Pero all in all.. masaya. :)

JUNE 10. Magkakabisita ulit kami ngayon. Friend ng dad ko nung high school pa sila. At dun sila matutulog sa master's bedroom. Gumudluck nlang sa kanila kasi maingay ako pag nasa kuwarto ko ako.. halos magkatapat pa naman un. Haha.

Sa aking mga batchmates/classmates sa AA.. Nakita ko ang post sa Yahoo Groups about sa goodand bad news for the schoolyear. Mas madami pa ang bad news kesa good ha. Mukhang.. Tsk tsk.

GOOD :: Slight changes. Iilan lang naman ang maaalis sa section 5 dati e. And oo nga pala, ang dating section 5, section 3 na ngayon. Pero okay naman at least, most of the class are still together.
:: Sa 13/14 na pasukan niyo. :)

BAD :: Ang class adviser niyo ay si Ms. Jose? Nako. Goodluck. Algeb pa nga lang sa section 5 di na niya masyado ma-handle.. The whole batch pa kaya.
:: CLE teacher niyo si Sir Ruel. Nako. Manginginig na naman ang mga tuhod niyo sa paghanda ng prayer, action song at realization niyo sa gospel sa bawat start ng class.
:: Nalipat na ang section 5 sa section 3. Hindi na same classroom. :( Hindi niyo na katabi ung CAI room si Sister Iris.. Nakakamiss kaya siya..
:: WALA ng 50 mins na Study Period na isespent after the whole day's class. Nako. Goodluck. Kung kelan mas kailangan dun pa nawala sa inyo e. :( Yung iba kasi, gumagala lang.. Diba? Diba?

Wow. Pasukan nio na sa Monday. Goodluck guys. :) Goodluck talaga. Pero teka. Ako din igoodluck niyo sa September ano. Haha. :)) Section 5.. Section ko un since first year. The coolest section ever. Kahit na magkaka-iba tayo. Sobra ung bond na nagawa nten no. Dahil sa mga plays and all. Sobrang close na nga natin sa isa't isa na parang wala ng group, group e. Kasi pwede kang sumama sa kahit kanino. Db? Tama si Gheghe. Kaya niyo un. No worries. :) HAKUNA MATATA! :) Love you section 5. Kayo na ang naging Life Partners ko sa high school life ko no. :)

Ate made me realize a lot of things tonight. She made me realize how blessed I am in my life. For being what I am now and for the fortune we had. For a lot of people, are dying and are in need of help because of poverty. Sad but true. :( She made me realize how good my parents are treating me even though lagi kong naiisip na I am so not worthy for them. Kasi parang laging for them bida sila ate and kuya. :( Then my dad told me how special I was for them. I was the reason why we are still together. I am the reason why things are getting pretty odd and good most of the times. She told me how unique and how my talents had molded me to what I am right now.

I am just sad for the fact na.. a lot of people aren't feeling or being treated the way I am treated. And it kills me now, that I kept on complaining with the way of life I am having and yet and i know, there are a great number of people out there who are less fortunate than me, who needs/deserve more attention and fortune. Too bad it was just now that I realized it. Ang hindi ko maintindihan.. Bakit pati mga pinsan ko nagseselos saken? Why do they think highly of me? Sila nga yung mga mas perfect yung buhay e. But they keep on insisting and saying that I am so far away better than they are.. But I don't see it. Kasi for me, pantay pantay naman kami e. Hello, magkakamag-anak kami no. Hindi malayo yung connections namin. And perhaps, maybe, mas maganda pa yung way of life nila saken. Hai. Ewan. I just don't get it.

Pero siguro nga.. ate and papa are right. I am more fortunate than a lot of people. And it's too bad hindi ko napapansin yun. Kasi mas nagcoconcentrate ako sa mga negative things na dumadating saken. But at least now I know. It's never too late to know.. :)

Wis
|

*The bum


Photobucket

Luisa Angela Baua. Wis.October 10. HS student. Youngest of three. Chicklet.

I WANT TO.. be loved and to travel the whole world.

ACHIEVED.. pretty much a lot of things and learned from every mistake I did.

GREATEST FEAR.. to be alone.

I BELIEVE THE FACT.. that it takes one to know one.


*Chat




*Tag



My fab friends:)


Stu Abancio
Pauline Abante
Caris Almazan
Paul Ang
Anj Caguioa
Therese Chua
Eirene Go
Maita Guevarra
Sibyl Layag
Aya Lemence
Sher Liquido
Michi Manosca
Monique Marinas
Rus Pascual
Miliza Prado
Ikit Singson
Mia Sumulong
Denise Tan
Sam Valencia

THE Past


March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 June 2007 July 2007 August 2007 February 2008


*Credits


Locations of visitors to this page

<

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com