Thursday, September 28, 2006
Happy 2nd anniversary Chicklets! :*
Yihee. We've known each other for like a long time. Eversince... grade 6 and siyempre si Nins, nung grade 7. Ha. Mga nene pa tayo nun. We've known how each of us grew physically, mentally and socially. Some even went out of their cocoon and really bloomed. Ahem. All of us became what we are now because we have each other. We count on each other about almost anything. And siyempre, dahil MEDYO malaki rin ang group naten, there are times na merong mga arguments and misunderstandings. Well... in our case, MOST of the time. Ha. Admit it.
Pero deep within those fights, we know we still have each other no matter how long our fights can be. Most of the time, some of us doesn't even know there is a fight/misunderstanding. Ahem, ahem. Raise right hand. Guilty ako na isa ako sa mga yun. Haha. Nalalaman ko lang na meron palang misunderstanding, once nagtatawag for an "open forum" ang group during recess or lunch. And lahat tayo, kabado (aminin niyo) kasi hindi naten alam kung bigla nlang may maghihit ng sama ng loob sa atin. Merong mga times na nakakaiyak na, merong mga times na feeling naten.. for good ng mawawala yung group and stuff like that. Pero grabe. Iba. Iba yung group naten. Iba in a GOOD way. Kasi kahit ano mangyari, alam naten.. na nandun pa rin e. You can expect that sooner or later magkaka-ayos din. Kasi hindi naten pinapabayaan mawala yung friendship na nabuo naten eversince. :) Db, db. :)
Grabe. Kung hindi ako lumipat ng Assumption Antipolo, hindi ko kayo makikilala. You've made my one and a half long bus drive from our house to school, in the morning and in the afternoon, so worth it. :) Sobrang thank you for the friendship and the good times we've spent together. Pagbalik ko, EXPECT FOR MORE. :) Babawiin naten lahat. Okiedokie? :)
You girls are the best(est), truest and real friends I have. NO ONE can ever change that fact. ;) Rus, Mik, Pao, Cza, Caris, Ky, Nins, Dang, Anj and Isay.. I love you all. :) :* We will ALWAYS be Chicklets. Kahit kailan walang magbabago OR mawawala OR madadagdag dun. (kahit pa na wala kami diyan ni Rus physically) Ok, ok? :)
Shoutouts
Paola: Sorry ngayon ko lang nareplayan yung tag mo sken. Oo, nabasa ko yung offline message mo sken sa YM dati. Thanks ha. And.. okay ka na ba? Medyo late na para tanungin ko kasi 10 days ago mo pa pinost yung tag mo na may sakit ka nga. Oo no. Sobrang pangit and asama ng feeling pag may hika. Parang every breath you take, last na e. Grabe. I hate it pag hinihika ako. Sobara.
Michi: Ganun? Sisipagin ka rin no. Time will come. Tignan mo nga ako, ngayon lang sinipag. Haha. Oo nga e. Sobrang okay ng mga grades ko ngayon. Naten pala. Except for one or maybe two subjects. Haha.
Cza: Czaaaaaaaaaa! Miss na rin kita no. Sobrang miss pa nga e. And siyempe no, hindi talaga ako magpapa-api. So don't worry. Okay? :) Hindi ko naman talaga kayo makakalimutan no. Sobrang hindi. Walang makakapalit sa inyo no. Ibang iba kayo e. :) IN A GOOD WAY. :) Cza, kung hindi mo ako maabtuan sa YM.. which is LAGI. Haha. Iwan ka nlang ng message sa friendster. Lagi/madalas kong chinecheck un. Mas madalas kesa sa YM. Kaya kung may gusto kang sabihin/ishare.. friendster nlang. Okay?
Rus: Ayun naman ang talagang bano ano. Haha. Oo nga e. Buti talaga. Nung una kala ko mahirap, pero hindi naman masyado e. Nakakamiss lang talaga yung "old times" na alam mong magiging GREAT yung school day dahil sa mga super-tight/close-friend/classmate mo. Iba talaga sa Pinas. I miss it. Ako pupunta sa Homecoming Dance? No way, kung wala akong date. Ayoko nga maging stag. Pero BAKA pumunta ako kung pupunta mga friends ko na MERONG date. Ask a guy? Are you dead serious? HINDI KO KAYA YUN NO. Ano ba.... Rus, magka-iba naman tayo pagdating sa pakapalan ng mukha ano. Haha. I love you, Rus.
Noemi: Noems.. oo nga e. Buti nlang talaga nakapag-adjust na ako. Sinabe mo pa. :) Miss na miss na rin kita no. I know I can trust you with all my "crush-stories". Haha. Tuloy ang ligaya.
Ever now and then, we find a special friend. Who never lets us down. Who understands it all. Reaches out each time you fall. Your the best friend I have found.
♥Wis
|
Monday, September 25, 2006
Period.
It had dawned on me that I haven't updated my blog for the past few days. Pero heck. Wala rin naman akong masabi e. And I was really busy with school stuff and everything.
I was so happy the other day or was it just yesterday.. I'm not sure. But I was so happy that I got the chance to talk to Ky through YM. Kahit na for a short time lang. We talked about some things that are going on. It made my day. :) Sobra. Kasi for the first or second time eversince umalis ako.. kahapon ko lang ulit nakausap si Ky. Sobara. I super miss talking to her. I was also able to talk to Dek ALSO through YM. What can I say.. YM is my online-best-friend. True, true. :)
I got my grades this morning at school. I am so freakin happy. JOY. :) For my two tests.. which is Physics and Spanish.. I got an A. :) Ha. I love it. :) Now I can say studying my butt off really did pay off. :) SO happy. GRIN.
Pao, Mik, Cza, Rus and Noems.. Check niyo nlang ulit bukas blog ko para sa mga replies ko sa mga tags ninyo saken. Matutulog na ako e. Kanina pa ako pinapatulog ni Mama dear. Okay, okay? Babawi ako. Promise. :)
♥Wis
|
Sunday, September 17, 2006
Humayun naman.
Hindi ko alam kung ano ang nakain ko kaninang lunch ano. Pero grabe. Sinipag akong mag-aral ngayon. For the past.. 6 hours.. kasi nagstart ako ng 12noon, wala akong ginawa kung hindi mga bagay na related at na kailangan para sa school ko. Sabihin na nating.. OO. NAGCCRAM ako. Dahil hindi ko nagawa lahat ng yun nung Friday pati kahapon. Kasi tinamad ako. Pero still. Usually kahit cramming.. tinatamad ako kaya nag-eend up na hindi ako natutulog tas naiiyak nlang ako pag hindi ko magawa ung dapat kung gawin. Pero ngayon.. Iba. Ibang iba talaga. Parang ang sarap ng feeling na hindi kasi pakiramdam ko nagiging nerd na ako. Not that ayoko maging nerd ha. Or I'm not saying na ang pangit maging nerd. Hindi lang ako yung taong nerd. Ganun ang ibig kong sabihin. Haha.
Grabe talaga. Hindi kapani-paniwala. Ang dami kong nagawa ngayon. Tas non-stop. Para akong robot. Haha. Isipin niyo nlang ha.. never ko nasimulan lahat ng to.. pero nagawa and natapos ko lahat to.. (1) assignment kong napakahirap dahil sa lintsak na computations at graphing para sa math, (2) ang DAPAT na summer reading essays na ngayon ko lang ginawa. haha. mahusay kasi ako. (3) read 10 pages of the novel.. "of mice and men" for english, (4) ang science fair project paper #1 ko. Lahat yun due bukas. Haha. Ang galing ko talaga. Crammer ang putik. Haha. Natatawa nlang ako.
Ngayon naman. Nag-aaral ako ng Spanish.. online. O ha. Bongga. Online pa. Haha. Kasi kailangan kong mag-aral orally e. Kasi oral tests namin sa Spanish bukas pati sa Tuesday. Tas sa Wednesday naman, unit test na namin. Tsss. Grabe. Ang bilis. Pero mabuti na rin yun para hindi ako masyado ma-alone dito at makauwi na ako ng Pinas ano. Haha. Yun nlang iniisip ko. At naiinspire ako to do better. :) Makashyak. Inspire ba ito. Haha. Pero.. SERYOSO. :)
Nakuha ko na grade ko sa math. Yung mga homeworks and quizzes and stuff. B ba ito. Not bad for a start. Pero hindi pa calculated dun ung unit test namin. Which will be given to us tomorrow. Kaya wish me luck mga iho at iha. :)
Most likely manonood kami ni Melody ng football game sa Friday. Kasi home game sa school namin. Haha. Nakakatamad kasi pumunta kung sa ibang school e. Haha. Ewan. Basta. Yun ang plan. First lakad ko iyon with a friend pag nagkataon. :)
Masaya ako ngayon.
Oo. Tama. Masaya ako ngayon. JOY. :) Ewan ko ba. Basta masaya ako. Parang ang gaan ng feeling ko. Kasi no worries. Alam niyo yung feeling na ganun? And I know someone and a lot more others would be there for me and love me for me. Ang drama. Haha. Pero totoo. Ang light ng feeling ko. :) JOY. :)
I love you guys. :)
SHOUTOUT
Paola: Haha. Kasi naman. Buti nga yun naging strict si Sr Iris e. At least, may makikinig na sa kanya. Hindi yung basta basta nlang siya pagtatawanan dahil sa pagsasalita niya. Pero nacurious lang ako.. Ganun pa rin ba siya magsalita? At maglakad? Haha. :) Aaaaah. Yung bata pala yung sinabihan ng KSP. Akala ko ikaw. Hindi mo kasi nilinaw e. Haha. Ikaw pa talaga sinisi ko e no. Ayun naman ang Jumpstart Pao. Haha. Jose ba ito. Sure kang hindi Jose-lito? Haha. Benta. :)) Joke lang Pao. Alam ko namang like mo ang Joseng iyon e. Kung nasaan man yun, BAKA iniisip ka rin nun. Haha. Nge. Kung ano nangyayari kay Rus, hindi nangyayari sken no. Stag na talaga ako. Or hindi ako pupunta. Or.. ewan. Bahala na. Haha. Ang labo ko. Sige, sgie. Hindi ko na iisipin na nakakalimutan na ako ng ibang Chicklets. Oh my Gulay! Alam mo ba napanood ko na yung movie na un. Nung August pa. Ang ganda. Sobra. Mapapasayaw ka. :) I loves it! ;) Miss na miss na kita Pao. Sobra talaga. Lalo na yung kaingayan mo. Pati ang walang katapusang halakhak mo pag natatawa ka. Haha. Love you, Pao. :)
♥Wis
|
Saturday, September 16, 2006
Humarurot ang loka. Ha!
Nakakakilig. Mas kinikilig na pala kaysa kay Rus. Haha. Nakaka-inlove. Sabay lahat na pala. Haha. Pero grabe. Ang cute naman ng nangyari. Not to mention, sobrang sweet.
Nakaka-inggit. Paano kaya kung saken nangyari yun? Niyaaaaay.. :) JOY na iyon. Haha.
Ang Rus ano. Ang haba ng hair mo loka! :) Ang sweet naman niya. With all the balloon and stuff just to say yes? Grabe. Bongga. And tama ka, kung hindi ka niya talaga gusto. He won't do anything like that. Napaka-extraordinaire nga ng ginawa niya e. For homecoming plang yan ha. Paano pa kaya pag naging kayo. Yihee. Tuloy tuloy na ang ligaya mo iha. :) And wag ka ng mag-isip ng negative na baka napilitan lang siya or something no. Sige ka. Baka pumangit ka niyan for the homecoming. Tsk. Haha. I love you Rus. :)
School is FUN.
Seriously. School is fun. Hindi na ako masyadong bummed about it. Kasi siguro.. sabihin na nating I was able to take the adjustments pretty well and fast. Plus. Meron naman na akong mga friends which make it a little more easier for me to cope up. Pero siyempre, aaminin ko. Iba pa rin sa Pinas. Nothing more like it. ;)
It's only been.. what? 3 weeks of school and I already had my unit test for my honors class algebra. It was pretty easy though. Kasi nag-expect ako ng mahirap tas pagdating nung papers parang ako.. "eto lang?" But clearly, I would not say na mataas grade ko ha. Kasi hindi ko alam. Usually, pag nadalian ako.. mababa grade ko. We'll see about that on Monday kasi sa Monday pa ibabalik ung test papers namin. Hopefully, mataas grade ko sa unit test namin. Kasi.. 70% ng grade ko un. Tssss. Naloka nlang ako pag bumagsak ako. Haha.
Honors class science. Tsk. Feeling ko next sem, hindi na ako kasali sa honors class. Kasi naman.. ang hirap. Sobra. Yung mga experiments ko.. ako lang mag-isa gumagawa and trust me, hindi siya masaya. Eto pa ha. MAG-ISA AKONG GAGAWA AND MAG-DEDEFEND NG SCIENCE PROJECT. My life is totally over that class. Yung sa Pinas nga hirap na ako e. Group pa un ha. Paano pa kaya ngayon na mag-isa nlang ako. And get this. Kung wala ako sa honors class.. sana hindi ako gagawa ng science fair project. Shoot talaga. Ano ba kasi naging basehan nila at nalagay ako sa klaseng iyon? Haaaaaai. Kahit na anong gawin ko, wala na akong magagawa.
Ang tennis ko ano.. kahit papaano ay nag-iimporve na. Haha. Hindi na ako masyado naghahabol ng bola. Haha. Pero grabe. Pamatay ung mga warm-ups namin. 100 ba naman na pushu-ups at sit-ups tas isang lap sa football field. Grabe talaga. Before pa magstart ang actual lesson, pagod na kami. Pero mas gusto ko naman ang tennis kaysa sa weight lifting ano. Haha. Na-iimagine niyo ba ako na nagbubuhat ng mga barbels and stuff? Eeeeeeeeeek! HINDI mangyayari yun. HINDI AKO PAPAYAG.
After class nung friday, may home game ang football varsity namin. Supposedly, manonood ako. Kasama si Melody. But then, nag-absent siya dahil sa fever so hindi na kami tumuloy. Pero baka this friday, manood kami. Yehes. Ako. Manonood ako ng actual football game. Nagpaturo na nga ako kay papa kung papaano ba ung game na un e. Sohor na. Ayoko kasi maging loser na nanonood lang to be there. Gusto ko naiintindihan ko. Ayoko nga maging ignorante. Haha. GO COUGARS! ;)
Happy. ;)
Yepyep. I am happy. Kasi naman.. nag-online ako kanina. I got the chance to talk to some of my very close friends. But sadly, none from Chicklets. :( Anyway, back to what I was saying..
Naka-usap ko ang echusang Dek. :) JOY un. I love you, Dek. :) Kahit na medyo hindi siya hyper gaya ng usual. Medyo okay na rin. We talked about this someone. Someone who really makes every little thing so freaking bad. Tssss. Ang unfair nga ng someone na yun e. He makes things so miserable to the point na lahat ng tao parang gusto ng iturn ung back sa kanya. Ang sama niya kasi e. Ang harot harot. Siya ang bitch ng opposite sex. Sobra. Walang exaggeration. Super yabang pa. Rar. And... not to mention, naka-usap ko rin ang pinsan ni Dek. Kaya lang medyo bitin ung usap kasi umalis kami. Hai. Di bale, may next time pa. :)
SHOUTOUTS
Michi: Nabasa ko nga yung entries ni Rus nung Sept 11 and 12 e. Ang haba ng buhok ng loka. Haha. Sobrang nakakakilig no. Kelan kaya mangyayari sten un? Sa dreams nlang ata. :))
Paola: Ikaw talaga. Nagchecheck ka pa rin sa CAI and sa Computer classes? Gumudluck nlang sayo iha. Sana hindi ka mahuli. Okay, ok Pao. Hihintayin ko yung offline messages mo sken ha. Oo nga e. Pansin ko lang ang galing mo manghula. Pwede ka ng sumunod sa yapak ni Madam Auring. Haha. :) Oo nga e. Buti nag-aagree si God na makapag-usap tau no. Haha. Miss na miss na kita Poa. Sobra. Pati ang mga benta mong tawa at mga hirit. Nako.. :) Pao.. Pumayag ka na tawagin ka nilang KSP? Tsk. Haha. Kung ako un. Nasapak ko na sila. Haha. Joke lang ha. Haha. Ano naman name ng crush mo ngayon? Nagagaya ka na kay Rus ha. Ang daming crush. Haha. Oo nga e. Mukha ngang super busy na kayo ngayon. Pero buti nlang nagkaka-time pa kayo para makipag-communicate samin ni Rus. Naappreciate ko yun. :) Thanks ha. Kayong tatlo lang nila Mik and Cza yung ganun e. Yung iba parang.. nakalimutanna kami. :( Ai nako. Mas miss na namin kayo no. Sobra sobra. Sana magkasama sama na ulit tayong lahat. Yung about naman sa soiree.. bakit hindi ka nakapunta dun sa 2 soiree niyo? And walang problema yan. Madami pa namang time before ng prom e. Tsaka madami ka naman boys e. :) Ako nga e. Homecoming dance namin sa November na. Hanggang ngayon wala akong partner. Haha. It's either stag or hindi nlang ako pupunta no. Hai nako. Super miss na kita iha.
Noemi: Hi noems! :) Okay naman ako. Medyo okay na sa mga adjustments na nangyari. Miss na rin kita. Pati ang mga kwentuhan nteng tungkol sa Ateneo at La Salle. Pati ang crush ko dati. Sheesh. Quiet. Haha.
Rachel H: Rachel Hahahalili. :)Nako. Buti sinabe mong Rachel H. Kasi nung pagbasa ko nung tag ko.. Parang ako.. "Si penpen magtatag sa blog ko? Ni hindi nga niya alam ung url ko e." Haha. Sabay nag-register sa utak ko na ikaw nga. :) Haha. Miss na kita. Ang saya mong seatmate. :) Lagi pa nten iniinis si Penny nun. Haha. Naalala ko one time. Nung grouping, naiyak nlang siya bigla sa harap nten. Parang tayo.. "Okay?" Haha. Thank you sa pagdrop mo dito sa blog ko ha. And thank you sa compliment na masaya basahin. :) Gumawa ka rin ng blog mo. Dali. :) I'm sure pag nagkaroon ka ng blog.. mas magiging mas masaya basahin yun. :) And okay lang na.. hindi ka tumatangkad no. Height doesn't matter. :D Yun nlang isipin mo. Kasi totoo naman. :) Miss na kita kausap. Ang saya mo kasi kasama e. Yiheee. :) Haha. Ang labo ko na. :)
I keep on coming back to you. ;)
♥Wis
|
Tuesday, September 12, 2006
Aba.
Aba. Ang Rus nagsalita. Bakit ikaw ba mabilis ka mag-update? Ahahaha. Joke lang Rus. :) Sorry na kung MEDYO late. Ang busy ko kasi. Ang dami namin LAGI assignments not to mention.. unit tests ko na. Hayuuup talaga.
Medyo ang sama pa ng pakiramdam ko. Ayoko naman mag-absent kasi ang DAMI kong mamimiss. Tsk.
Ayun. Wala naman akong isheshare e. Except sa.. ANG LAMIG NA dito! Db Rus? Ang sarap tuloy mag-bum nlang at walang gawin. Haha.
O ayan na Rus. Eto na ang mga sagot ko sa mga tags niyo.
Rus: Ahaha. Aba. Dapat ka lang mabaliw sa shoutout ko. Haha. Gaya ng pagkabaliw ng ihong si Steve na iyon sa iyo. Yiheee.. :)) Oo. Cougars din school namin. Talaga? Kayo rin? Steeeg. Sana nga pareho nlang tayo pati ng school ano. Para mas masaya. Pero mukha namang imposible kasi duh... nasa Michigan ka at nandito ako. Haha. Alam mo, alam mo. Alam ko na kung saan dito sa East yung madaming Pinoy na HS students. Sa Wheaton High School dito rin sa Maryland. Sila nga daw nag-dodominate ng school e. Dati daw itim. Ngayon mga pinoy/pinay na. San ka pa? Sana dun nlang din ako. Haaaaai. Mabalik tayo kay Steve. Hindi yun makikipag-hook up sa ibang girl. Naka-hook up na siya sayo e. Haha. Yikee.. Ang Rus.. :)) Oo nga pala. Kelan ka ba tatawag? Sa thursday nlang. Mag-aaral ako bukas para sa unit test ko sa Math e. Thursday nlang ha, Otei? :) I love you more, the-bitchest-of-all-bitches! ;) Haha. Joke. I love you, Rus. :)
Mik: Um.. oo. Enjoy na rin. Pero iba pa rin talaga yung diyan sa Pinas. Sobrang iba. Mas gusto ko diyan. :) And totoo naman e. Kayo pa ring mga Chicklets ang the bests. ;) Promise. :) Miiiik, meron akong message sayo sa friendster. Yun na ung reco letter ko sayo supposedly. :) Basahin mo nlang pag nagkaroon ka na ng time. :) I miss and I love you, Miiiik. :)
Eirene: Haha. Oo nga. Pero mahirap iwasan ang mga tao kung sila lumalapit sayo. Pero teka. Bakit naman hindi na kailangan ng friend mo ng new friends? Ang weird naman nun. First time ko nakarinig ng ganun ah. Miss na kita. Sana maabutan kita sa YM some time. :) May news ako sayo.. ;)
I want you to want me.. :D
♥Wis
|
Wednesday, September 06, 2006
Ha.
Hindi ako masaya sa school ko. Ampota! (sorry for the word) Hindi lang talaga. Gusto ko ng umuwi sa Pinas! Whaaaaaaaaah!
Alam niyo yun.. from a big group sa Pinas.. naiwan ako sa pagiging mag-isa during breaks. ALTHOUGH.. may friends naman ako no. So in a way, hindi ako loser. Pero still. Iba talaga sa Pinas. Sobrang mas okay sa Pinas. Kaya para sa mga taong okay na ang buhay sa Pinas. DON'T THINK OF MOVING HERE to study. It's Aaaaaaaaaaargh. Yun lang masasabi ko.
There is clearly NO discrimination naman. Pero alam mo yun. Iba e. Hindi ko sinasabe na ayoko sa kanila, or na ayaw nila sken. Pero iba talaga. You will know it pag na-try niyong mag-aral dito. Ngayon naiintindihan ko na ang sinasabe ni Rus noon sken sa landline. Haaaaaai.
Well. School has been WAY OUT OF MY LEAGUE lately. Ayoko ng pumasok no. One week and 2 days pa lang ako sa school ko.. ayoko na. Whaaaaaah! Nakakaiyak na ewan. Hindi ko maintindihan. Most especially blacks.. Aaaargh. They do get into my nerves. Pero meron naman akong mga friends na blacks no. MOST blacks... ayoko. Not because of me discriminating them. But I just don't get them. So not in my way.
Nung history class ko. Merong black american na guy na nagpass sken ng note. Tas sabi niya.. "Hey, do you have a boyfriend? I love to be your man." Tas parang ako.. "What the heck. Hell no. Thanks for the offer anyway." Tas nagsulat ulit siya.. "You're cute. Don't you want to be my girl?" I was like. "NO, NO, NO." Then he stopped. While the teacher was explaining something.. he went close to me and he shouted my name.. and I was like.. "What the hell is your problem?" and he said.. "I want you." And I was stunned. Didn't answer him at all. I didn't bother to. I am so not wasting my time with those scruffy stuff.
One more thing. Hindi fun ang school. ANG HIRAP. Kaya kung may nagsasabi na madali lang ang curriculum ng schools dito. Think again. IT DEPENDS on the school. Ni hindi ko nga alam kung papaano ako napunta ng honors class ng Science at ng Math e. Both my HATEST subjects. Aaaaargh. It is so freaking challenging. REALLY. TRUST ME.
Grabe. Eto pa. Real world talaga. Yung mga mag-boyfriend and girlfriend.. Ayun naman. Room naman dito ano. Grabe talaga. Haaaaaaaai. Nakakapangilabot na ewan. Ha. Goosebumps. Although I have nothing against them (bfs and gfs) Sana naman humahanap sila ng place na hindi lantaran e.
SHOUTouts
Therese: Totoo. Madami kang subject, orgs and clubs na pwedeng salihan. And fun naman siya kahit papaano. MAHIRAP lang talaga. Mas mahirap kasi dito sa East coast. Compared sa mga schools sa California. Tapos REAL WORLD talaga. LAHAT OPEN. Pati ung mga bagay na hindi naman pang-public.. Haaai. Pero pero eto ha. Yung sa movies, diba usually may discrimination and stuff. In real life, well sa school na pinapasukan ko pati ng friend ko.. WALANG DISCRIMINATION. Which is good. :) Sige, sige. Pero TRY to get to read the love thing. Okay? Wow. Ang dami ko ng kamukha. Haha. Siguro nga magka-mukha kami pero definitely HINDI kami pareho ng ugali. Dun sure ako. ;)
Russel: Ako din. Hindi ako happy sa school ko. Gusto ko ng umuwi ng Pinas at bumalik sa Aa. Sobraaaaaaaaaa. Nakakamiss na ang pagka-strict ng school nten dati. Hindi gaya ngayon, LAHAT pwede. Haha. Oist. Tawagan mo ako pag meron kang time. Catch up tayo. Pero wag ngayong araw. Madami akong assignments. At eto ka. Unit tests na namin next week. I miss and love you, Rus.
Paola: Haha. Oo. Si Cha yung sinasabe ko. Papaano mo naman nalaman ha, iha? Ayun naman ang gwapito, Pao. Haha. Tama ka. Pati ba naman bata... Pareho kayo ni Rus. Haha. Walang pinipili. Haha. Yehes, artista na ang Pao. Hinihingi pa ang autograph. :D Oo nga pala, sino ba ang kamukha ng Roger na ito? :) Sige ha. Ikaw susundo samin ni Rus pag umuwi kami. Wala ng bawian yan. Sagot na transpo nten, Rus! ;) Haha. Oo nga e. MADAMI na talaga. Sinabe mo pa. Kayo rin madaming mamimiss sken. Samin ni Rus. Haaaai. Aba. Dapat lang matouch ka ano. Pero totoo naman sinabe ko dun e. Miss na rin kita no. Sobra. Haaaaai. I love you, Pao. :)
Ky, Cza, Mik: Miss na miss ko na rin kayo no. Kami ni Rus miss na miss na kayo. Sobra. Mahal ko kayong tatlo. :)
O siya, siya. Sa susunod na ang iba. Kanina pa ako dapat nagsimulang mag-aral. Haha. Next time, next time. Mas mahaba ang entry at ang shoutouts. ;)
REALLY HAVE TO GO. :D
♥Wis
|
Sunday, September 03, 2006
Wouldn't it be nice..
..If we were older. :)
Yeah yeah. Galing yun sa movie na 5o First Dates. Ang cute ng movie na yun. True love talaga. :) BUT on the other hand... Not all "love" end up that way. Hindi laging happy ending. Hindi parang ala fairytale. Hindi gaya sa movies na pwede mo ng ma-visualize yung ending.. In real life, hindi e. We go with the flow.
How ironic how we can make good movies with sometimes UNreal endings and yet arise with terrible relationships on our own. Minsan.. sasabihin.. based on a true to life story. But eventually, you will see or you will know.. they changed some things, or maybe little details that when put together can mean a lot and change the climax of the based story.
Okay. I will stop running around the bush. My point is that.. Relationships, no matter how good it is, do usually end on something really not nice. I know relationships can make people confide more within theirselves and they'd be really happy together. Most of the time, there are fights-which can be solved and can sometimes be the cause of "the sad ending". Which is terrible. I know NOT all relationships work that way.. But in this certain someone I am talking about.. THAT IS THE CASE. Which is awful.
I know she loves him. I am not that sure though if he still love her. Why? There are a lot of incidents that had happened before that makes it hard for me to believe him. She is so close to me. And I don't want her to get hurt. If only I was there. If only I wasn't here. Maybe I could change the ending of their "happy-go-lucky-and-fairytale-love-story".
Siguro hindi naging ganito. Pero sa loob, loob ko. Siguro nga.. mabuti ng naging ganito. Rather than see her cry every night and worry about him all the time. Mas mabuti na nga siguro to. After three years of everything... they do need some time off. Kailangan nila ng space to think about it before getting back in the track of their relationship.
I know what you're thinking, what do I care? I am not even IN the said relationship. But I am telling you. I do have something to do with this. I know I do. Kamag-anak ko na sobrang twin slash chum ko talaga yung involved dito e.
There is one thing I know though. It's going to be hard for her to move on. But that's the way it is suppose to be. Right?
Sometimes you really have to let go. Minahal mo man siya ng sobra or kahit hindi. You just know you have to. YOU HAVE TO LET GO AT TIMES. -wisbaua:)
♥Wis
|